Picture
Guys,let me tell you on how you can minimize your potential loss….


Tip #1:
  *High Yield= High Risk. - kung gusto mo ng malaking income, dapat willing ka tumanggap ng malaking lugi.

Tip #2:
  Just because it’s earning, it doesn’t mean it’s SAFE. – lahat ng scam kumikita sa simula. Kaya nga maraming na eengganyong sumali. Kaso, yung pera ng new investors ang binibigay sa old investors, at kapag wala ng new investors, wala na ring perang ibibigay sa old investors. Kahit may hawak ka pang post dated checks, hindi ibig sabihin may pondo para dun.

Tip #3:
  Invest only what you can afford.- Wag natin I invest ang perang pang matrikula o pambayad ng ating mga household bills. At lalong lalo wag tayong uutang para lang mag invest. Mas maganda, mag laan sa ating 13th month bonus o sales bonus.

Tip #4:
  DON’T BE GREEDY.- Kapag kumikita na tyo, ilabas na natin agad ang puhunan natin. That way, kung may masama mang mangyari,yung kita lang ang mawawala.

Tip #5:
  DIVERSIFY! -  Don’t put your eggs in one basket. Wala naman kasing isang investment that will take care of everything.

So, guys tackle all of your investments. May mabilis, may mabagal, may high risk, may low risk. Dapat ganun ka rin sa iyong mga investments pra kung malugi man ang isa, meron ka pang ibang pag huhugutan.